Ni Vic Tahud
NAKI-USAP si Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III sa mga employer na bigyan ng separation fee ang mga trabahante na tinanggal dahil sa pandemya.
Ani Bello, dapat bigyan ng 1 month salary bawat taon ng serbisyo ang isang trabahanteng tinanggal alinsunod na rin sa labor laws.