Ni Karen David
HINDI kinakailangan mag-leave of absence ni Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman ukol sa umano’y iregularidad sa pagtugon sa COVID-19 ng ahensya.
Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod na rin ng panawagan ng ilang mambabatas.
Ayon kay Robredo, mahirap magpalit ng hepe sa gitna ng kinakaharap na laban ng bansa sa coronavirus.
Gayunman, sinabi ng vice president na kailangan magkaroon ng policy reforms para mapabuti ang pagtugon sa pandemya.
Si Duque at ilan pang health officials ay nahaharap sa imbestigasyon na may kaugnayan sa pagbili ng personal protective equipments, medical supplies, benepisyo ng mga nasawing health worker, at sa umano’y mabagal na pagtugon sa COVID-19.