Ni Justine Nazario
KASABAY ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon ay ang pagkagulantang ng lahat matapos ibunyag ni actress Sofia Andres na isa na siyang ina.
Sa isang Instagram post ni Sofia ibinahagi niya sa lahat ang naging pregnancy journey niya kasama ang longtime boyfriend na si Daniel Miranda.
Batay sa post ni Sofia nagbuntis at nanganak ito sa Australia.
Marami ang naghinayang sa aktres dahil 21 yrs. old pa lamang ito.
Gayunpaman, marami rin naman ang nagpakita ng kasiyahan at suporta kay sofia.
Samantala, nagpasalamat naman si Sofia sa mga gumabay at sumama sa pregnancy journey niya lalong lalo na sa pamilya nito at mga kaibigan.