Ni Vhal Divinagracia
NILINAW ni Department of Agriculture Secretary William Dar na may sapat na suplay ng baboy sa bansa.
Sa panayam nito sa Sonshine Radio, wala umanong dapat ikabahala ang mga pork traders tungkol dito.
Ang tinutukoy lang aniya sa sinabi nitong maaaring tightness sa buong taon ay kung walang restocking na magaganap.
Sa kasalukuyan ani Dar, aabot pa ng ilang buwan ang suplay ng baboy sa bansa.