Ni Jao Gregorio
GUMAWA ng bagong bersyon ng mga Team Logo ng NBA ang isang visual artist.
Ito ay kasunod ng muling pagbubukas ng laro ng NBA sa susunod na buwan.
At dahil sa Walt Disney World gaganapin ang resumption ng game, naka-isip ng malikhaing paraan ang di nagpakilalang visual artist at pinost ito sa kaniyang Instagram account.
Pinagsama nito ang mala-fantasy theme ng mga palabas ng Disney at ang existing team logos sa NBA.
At para sa mga gustong makita ang mga likha na ito ay maaaring bisitahin ang pkairdesigns account sa Instagram.
Samantala, July 31 nakatakdang ibalik ang natitirang laro ng season 2019-2020 ng NBA na gaganapin sa Orlando, Florida.