Ni Pat Fulo
NAGTAYO ang Office of the Vice President (OVP) ng temporary shelters para sa mga medical frontliners ng Lung Center of the Philippines.
Itinurn over na sa LCP ang temporary shelter site na “The Oasis Project” na nakalaan sa mga medical practitioners na katuwang ng bansa sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa OVP, layon nito na mabigyan ng ginhawa ang mga medical frontliners ngayong nagsasakripisyo sila para sa kaligtasan ng nakararami.
Pinasalamatan naman ng OVP ang mga partners at donors ng Angat Buhay na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng pamahalaan upang makatulong sa frontliners.