Ni Pat Fulo
NAKAHANDA na ang mga ipatutupad na health at safety protocols ng Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagbubukas ng face-to-face classes sa lugar na nakasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay TESDA Deputy Director General John Bertiz, upang matiyak ang social distancing, 50% ng kapasidad ng bawat classroom lamang ang kanilang pahihintulutang pumasok.
Kinakailangan rin muna aniya na ipaalam ng learning institution sa local government unit o baranggay ang plano nitong face-to-face training bago magbalik operasyon.
Require din ang pagfill-out ng health declaration form upang mas mapadali ang contact tracing sakaling may tamaan ng COVID-19.
Tulad naman sa ibang establisamiyento, maglalagay ng foot bath, alcohol at temperature scanner sa lahat ng pasilidad habang obligado ang lahat ng trainees, instructors at stadd na magsuot ng face mask.
Magugunitang pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang physical classes sa mga technical-vocational institutions sa mga MGCQ areas.