Ni Vhal Divinagracia
INIHAYAG na ng Philippine National Police na minamadali na nila ang pagtatayo ng karagdagang testing laboratory para sa mga police na naka-assign sa Visayas.
Ayon sa huling datos ng PNP, tumaas na sa apat na raan at siyamnapu’t siyam ang apektado sa COVID-19 sa hanay ng kapulisan.
Nilinaw naman sa PNP Health Service na mula sa nasabing bilang, dalawang daan at walumpu’t walo naman ang nakarecover na.
Anim na raan at animnapu’t isa ang probable cases at walong daan pitumpu’t lima naman ang suspected cases.