Ni Melrose Manuel
NAIBIGAY na ng Department of Health (DOH) sa mga kaanak ng healthcare workers na pumanaw sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tig-P1 milyong compensation na naipangako ng gobyerno.
Sinabi kahapon ni DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dinala na mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, kasama si Undersecretary Roger Tong-An kamakalawa sa mga kaanak ng 29 na namatay na health workers ang tseke matapos pirmahan noong nakalipas na araw ang Joint Administrative Order.
Samantala, ang 79 health workers na tinamaan ng COVID-19 ay makatatanggap na rin ng P100,000 sa mga susunod na araw.