Ni Justine Nazario
GINAMIT ng aktor na si Tom Rodriguez ang kanyang creativity at craftsmanship para makatulong sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakilahok ang aktor sa programang ‘Guhit Pantawid: Portraits for A Cause na kung saan iginuguhit ni Tom ang mga nag-donate ng P500.
Layunin ni Tom na matulungan financially ang mga tsuper, street vendors, at construction workers na walang kita dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
Ayon sa kasintahan nitong si Carla Abellana, bilib siya sa kanyang boyfriend dahil nagpupuyat talaga ito para maging maganda ang resulta ng mga ginagawa niya kahit minsan ay inaabutan pa ito ng tatlong araw sa isang litrato lamang.
Gayunpaman, suportado ni Carla ang relief effort ni Tom para sa mga nangangailangan.