Ni Melrose Manuel
TATANGGAP na ang mga customer ng Maynilad ng “transitional” water bill ngayong Hunyo sa nakonsumo ng ECQ months mula Marso hanggang Mayo 2020 gayundin ang current actual billing at consumption para sa June 2020.
Ang total actual consumption ay na-compute sa pagbawas sa customer’s February 2020 meter reading mula sa actual meter reading ngayong Hunyo.
Ang lahat ng bill payments na ginawa sa panahon ng ECQ ay ibabawas sa total amount due sa darating na June bill.
May palugit naman sa pagbabayad ng water bill ang mga lifeline customers. Ang mga nakakonsumo ng 10 cubic meters kada buwan ay may hanggang August 31, habang ang mga nakagamit ng mahigit 10 cubic meters per month ay hanggang July 31.