Ni Arjay Adan
MATAPOS na kanselahin ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang ika-82 season nito bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic, target na nitong gawing full calendar ang lahat ng events sa susunod nitong season.
Gayunman, ayon kay UAAP Outgoing President Em Fernandez ay hindi pa rin nila ito masisiguro dahil sa mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 sa bansa at depende pa rin ito sa magiging regulasyon ng gobyerno sa planong full staging na gagawin ng liga, maaaring sundin ng UAAP ang format ng South East Asian Games na natapos agad sa loob lamang ng dalawang linggo.
Ani Fernandez, maaaring idaos ang volleyball at basketball nang sabay imbes ng magkahiwalay na semester.
Matatandaan na noong Pebrero nang suspendihin ng UAAP ang 82nd season nito at tuluyan nitong kinansela ang remainder ng season noong April.