Ni Jao Gregorio
INIHIHIRIT ngayon ni Senator Richard Gordon ang pagkakaroon ng vaccine factory sa bansa sa gitna ng pandemiya.
Ito aniya hindi lamang para sa COVID-19 bagkus pati na rin sa iba pang sakit na sakop ng expanded epidemiology program ng Department of Health.
Pagbabahagi pa ng senador na base sa tala ng UNICEF, may tinatayang 2 milyong batang Filipino edad 2 taon gulang pababa ang posibleng hindi mabakunahan dahil sa COVID-19 crisis.
Sila ani Gordon ay vulnerable sa vaccine preventable diseases na maaari ring magresulta sa kamatayan ng mga ito.
Punto pa ng mambabatas na kung talagang seryoso ang gobyerno na masugpo ang virus ay dapat may sariling Center for Disease Control and Prevention ang bansa.
Dagdag pa ni Gordon na nararapat lamang na hatiin ang DOH at epidemiolgoy sa bansa na magiging taga-research tungkol sa mga posibleng sakit.