Ni Pat Fulo
NANANAWAGAN ngayon ang Teachers Dignity Coalition sa Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang work-from-home arrangement ng mga guro.
Batay kasi sa direktiba ng DepEd, hanggang kahapon na lamang, Hunyo a-21, mananatili ang alternative work set-up para sa mga teaching at non-teaching personnel.
Kaya naman simula ngayong araw ay maari na silang obligahin na pisikal na mag-report sa pinagtatrabahuhang paaralan bilang paghahanda sa papasok na school year.
Giit ng grupo, ang pisikal na pag-rereport sa paaralan ay impraktikal at hindi ito kailangan at malalagay lang sa tyansa na ma-expose ang mga guro sa COVID-19.
Apela ng grupo na hangga’t maari ay i-extend ang work-from-home arrangement hanggang kinakailangan na talaga ang physical reporting.
Mula noong Hunyo a-1 ay nakasailalim sa WFH scheme ang mga guro maliban sa mga otorisado ng regional directors na maging parte ng skeletal workforce na magreport sa kani-kanilang opisina.