NI: CRESILYN CATARONG
IPINAALALA ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga motorista na pwede nang daanan ng mga pribadong sasakyan ang yellow lanes sa EDSA.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, kaninang umaga sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, isa sa naging dahilan ng traffic jam ay ang pagdadalawang-isip ng mga private vehicle na gamitin ang yellow lanes na siyang dating naka-reserba lamang para sa mga bus.
Ani Pialago, hindi pa kasi batid ng mga may-ari ng mga pribadong sasakyan na pwede na nilang gamitin ang yellow lanes ngayon.
Nagsimula nang magbyahe sa EDSA ang shuttle buses at buses for MRT augmentation sa pagsisimula ng pagpapatupad ng GCQ ngayong araw, Hunyo a-uno.
Sinabi ni Pialago na lahat ng point-to-point buses for augmentation ay nanatili muna sa kanang bahagi pero magmula lamang sa North Ave. at Quezon Ave.
Ang mga bus stops naman ay hindi pa nagamit dahil hindi pa tapos ayusin.