Ni Melrose Manuel
LABIS ang pasasalamat ng 16-year-old Pinay na si Mia Librojo mula sa Belfast, Northern Ireland matapos itong makapasok sa international singing search na TeenStar UK.
Ayon kay Mia, masaya ito na naging parte siya ng kompetisyon at hindi niya inaasahan na makakasama ito sa ikalawang round ng show.
Sa kanyang audition at sa round 2 ng kompetisyon ay gumamit ito ng ilan sa kanyang mga kantang naisulat sa mga nakaraang buwan.
Ibinahagi ni Mia na bata pa lamang siya ay mahilig na talaga ito sa music at nagpapasalamat sa suporta na natatanggap niya mula sa kanyang pamilya at maging sa kanyang mga kababayan sa UK.
Kaugnay nito, masaya naman ang TeenStar finalist sa kung ano man ang mararating niya sa kompetisyon at ipinangako niyang ipagpapatuloy niya ang pag-awit at paglikha ng mas marami pang mga kanta.
Ipinanganak si Mia sa Belfast habang tubong Antipolo at Davao ang kanyang mga magulang.