Ni Pat Fulo
MALAPIT nang maubos ang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa programang Assistance-to-Nationals.
Ayon kay DFA Usec. Sarah Arriola, mayroon na lamang na 232.9 milyong pondo ang ahensya para sa naturang programa.
Inaasahang tuluyan na itong mauubos pagsapit ng kalagitnaan ng Agosto.
Sa tala ng DFA, mula Enero hanggang Hulyo a-13 ay mahigit 767 milyong piso na ang kanilang nagamit para sa repatriation, welfare assistance, medical assistance at temporary accommodation ng mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tiniyak naman ng ahensya na kanilang gagamitin ang natitirang pondo hanggang sa huling sentimo nito upang mapauwi ang mga OFWs na apektado ng krisis.