Ni Melrose Manuel
BILANG tugon sa suliranin ng mga ospital sa Metro Manila, magbubukas ng dalawampu’t dalawang mega quarantine facilities sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay COVID-19 Testing Czar Vince Dizon, ito ay para sa mild at asymptomatic sa COVID-19. Aasahan naman aniya na mabubuksan ito ng pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Sinabi pa ni Dizon na ang 22 isolation facilities ay maliban pa sa 2,700 beds sa mga hotels na binayaran ng gobyerno at sa ipapatayo pa sa inisyatibo ng nasa pribadong sektor sa Metro Manila.
Maliban dito, ang mga quarantine facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ay inaasahan ding magiging available sa loob ng pitong araw.