Ni Vic Tahud
MAAARING sumulat sa Department of Science and Technology ang isang pribadong indibidwal o sektor na nais magsagawa ng pananaliksik patungkol sa kalusugan.
Ito ang kinumpirma ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña sa panayam ng Sonshine Radio.
Dagdag pa ni Sec. Dela Peña, kailangan ang isang tao na magsasagawa ng pananaliksik ay konektado sa isang medical research institution.
Ito ay upang matiyak na magagastos ang pondo sa totoong pananaliksik.