Ni Karen David
BUKAS na muli ang Agora Market sa San Juan City simula ngayong araw, Hulyo 16.
Ito ay matapos ang labing limang araw ng pansamantalang pagsasara para mabigyan daan ang paglilinis at disinfection sa palengke makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang manininda at manggagawa dito.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, ang mga vendors, staff at empleyado lamang na may health clearance o blue ID o ang pwede magtinda at magtrabaho sa naturang pamilihan.
Kailangan aniyang suot ito ng mga vendor para malaman ng mga mamimili na ligtas bumili at makihalubilo sa kanila.
Pinayuhan naman ng alkalde ang mga mamimili sa Agora Market na hanapin ang blue ID ng manininda at manggagawa.