Ni Karen David
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tatlong opisyal ng Manila City Government.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, naka-quarantine na ang tatlong opisyal at sumasailalim sa gamutan.
Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing at targeted testing activities sa mga maaring na-exposed sa COVID-19.
Nagnegatibo naman sa virus ang alkalde at si Vice Mayor Honey Lacuna-Panga na na-exposed din sa mga positive key official.
Sa ngayon, patuloy ang mass testing operations ng city govt. sa pamamagitan ng swab tests at rapid anti-body test kits sa Kalakhang Maynila.