SMNI NEWS
NAGPOSITIBO sa African Swine Fever (ASF) ang apat na barangay sa bayan ng Magpet, Cotabato.
Ayon kay Department of Agriculture-12 Regional Director Arlan Mangelen, nakitaan ng ASF ang mga Barangay Ilian, Kiantog, Tagbac at Magcaalam base sa blood samples na nakumpiska sa mga baboy sa lugar.
Ani Mangelen, ang mga processed meat mula sa kalapit na Davao Region ang posibleng pinagmulan ng ASF sa Magpet.
Sinabi ng agriculture official na naipagbigay-alam na ang isyu sa mga local official ng Magpet maging sa Provincial Veterinary Office sa Cotabato para mapigilan ang pagkalat ng ASF sa mga kalapit na barangay at sa labas ng nasabing bayan.
Ngayon aniyang linggo ay ipagpapatuloy ang pagpatay sa mga buhay na baboy sa mga apektadong lugar sa Magpet na una nang isinagawa noong Biyernes.
Tiniyak naman ng DA official na babayaran ang mga apektadong hog raisers.