Ni Jao Gregorio
HAYAGANG sinabi ni Cavite 7th District Representative Crispin Remulla na patuloy lamang na nagpapalusot ang ABS-CBN.
Sa naging panayam ng Sonshine Radio, aniya nais ng giant network na palabasing legal pa rin ang mga paglabag nito sa kanilang pasong prangkisa.
Giit ni Remulla, napakalinaw ng kanilang mga nagawang violations at huwag naman sana nilang bigyan pa ng color of title.
Dagdag pa ni Remulla na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho bilang lingkod-bayan.
Kahapon naungkat sa pagdinig ng Kamara ang news media bias ng ABS-CBN maging ang isyu sa pag-blocktime nito sa AMCARA broadcasting network.