Ni Justine Nazario
IPINAGDIWANG ng part-time actress na si Andi Eigenmann ang first birthday ni Baby Lilo, kahapon, July 23.
Sa Instagram post ni Andi, binati niya ang kanyang anak at sinabing “you are truly one of a kind lilo.”
Minsan na ring sinabi ni Andi na si Lilo ay isang “one big ball of energy” at ginawa rin siyang “extrovert of the family.”
Sa kabilang dako, ipinagdiwang ni Andi ang birthday ni Lilo kasama ang pamilya niya at ang isa pang anak nito na si Ellie.
Matatandaan na umuwi ng Manila si Andi kasama si Lilo noong June 25 para ipagdiwang naman ang 30th birthday ni Andi.
Samantala, wala naman ang asawa nitong si Philmar Alipayo sa first birthday ni Lilo dahil kasalukuyang nasa Siargao Island ito.