Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
NAGTATANONG kayo sa akin, “Paano ako naging Hinirang na Anak?”
Pahayag 21:7. Napaglabanan ko si Satanas na si Lucifer ang demonyo at hindi lamang napaglabanan, natalo ko siya, at aking namana ang lahat ng bagay, ang Sonship. Namana ko ang langit. Ang langit ay akin. Ang mundo ay akin. Ang lahat ng kaluluwa ng sangkatauhan ay akin. Anoman ang nilikha ng Ama ay akin. Ang buhay na walang hanggan ay akin.
ANG BAGONG LUPA NG AMA
Narito ako sa pagiging bilang Hari ng Kaharian ng Kanyang pamumuno. Sino ang nasa ilalim ng Kanyang pamumuno? Ang Bagong Nilikha, ang Bagong Nilalang, ang Bagong Lupa. Sino ang Bagong Lupa? Kayo ang Bagong Lupa. Bawat isa na nagsisisi, inalis ang binhi ng serpente at dumaan sa pamamagitan ng tubig at apoy at nakapanglalaban ay ang Bagong Lupa ng Ama. Ako ang modelo ng Bagong Lupa. Ang naitanim sa akin ay ang mga binhi ng Dakilang Ama na nagdadala ng mga bunga at walang hanggang buhay: pag-ibig, kapayapaan, katuwaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil. Ito ang mga bunga ng Bagong Lupa.
ANG BAGONG LANGIT NG AMA
Kaya meron tayong Bagong Langit. Bakit may Bagong Langit? Dahil ang lumang langit na itinuro sa atin ay mga lumang langit ng denominasyon at relihiyon. Lahat ng mga relihiyon at denominasyon hindi lamang sa Church Age, saan man kayo, kayo ay kasapi sa lumang langit at ang mga ito ay lumipas na, ang Bagong Langit ay narito. Ang Bagong Langit ay kung saan nananahan ang katuwiran ng Panginoon. Ang katuwiran ng Panginoon ay nangangahulugan na ang mga tao ay gumaganap lamang sa Kalooban ng Ama na nagdudulot ng tunay na katuwiran.
2 Pedro 3:13, “Ngunit, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.”
ANG PRODUKTO NG BAGONG ESPIRITU
Tayo ay naghahanap ng bagong langit at bagong lupa, kungsaan ay naninirahan ang katuwiran. Hindi na kayo naghahanap dahil narito na. Iyan ang katuparan ngayon. Kayo ang Bagong Lupa. Ang itinanim sa Bagong Lupa ay ang tunay na mga salita ng Ama, hindi nahaluan ang mga ito. Tayo ay isang produkto ng isang bagong espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Tayo ay ang produkto ng katapatan sa Kalooban ng Ama, ang dedikasyon at paninindigan ay sa Kalooban lamang ng Ama. Kaya sinabi Niya, “Ako ay nasa inyo,” maaari na Siyang dumating at mananahan sa atin. Bakit ako nanatiling nandirito? Dahil nang sinabi Niya, “Ngayon ikaw ay aking Anak,” ako lamang ang natatanging Anak na naibunga. Alalahanin na ito ay laging nagsisimula sa isa.
ANG ANAK AY IBINIGAY
“Ang anak ay ibinigay sa mundo. Anak ko, ngayon ay ipadadala kita sa buong sanlibutan, kung saan ay naroon ang aking mga anak. Hindi mo sila kilala, hindi ka nila kilala, ngunit kapag narinig nila ang iyong tinig, ito ay kanilang susundin, dahil nakikilala ng aking mga tupa ang aking tinig.”
Ang trumpeta ay ang mensahe. Ano ang mensahe? Magsisi! Alisin ang binhi ng serpente ng pagsuway laban sa Kalooban ng Ama. Ang trumpeta ay patuloy na tumutugtog. Nagsimula ito noong Abril 13, 2005. Tinitipon ko ang lahat ng mga anak, mga anak na lalaki at anak na babae. Ang lahat ng makikinig sa akin ay magkaroon ng Bagong Espiritu. Una sa lahat ay magkaroon kayo ng Bagong Espiritu. Kaya ang luma ay lumipas na. Ang luma ay aalis at ang bago ay papasok. Ang pagsuway ay aalis at ang pagsusunod ang papasok.
Sinasakdal ba ninyo ang pagsusunod o mayroon pang pagsuway ang nanatili sa inyo? Kapag may pagsuway pa na nanatili sa inyo habang kayo ay lumalakad sa bagong buhay ng pagsunod sa Kalooban ng Ama, kayo ay nanatiling bata. Kailangan kayong lumago. Kailangan ninyong dumaan sa inyong Tamayong, ang inyong apoy.
ANG KALOOBAN NG AMA
Kapag kayo ay magiging kagaya ko, napaglabanan ninyo ang apoy, wala nang pagsuway na nananatili at ang inyong bibig ay laging nakatuon sa Kalooban ng Ama, hindi sa inyong sarili. Kapag lagi kayong nakatuon sa inyong sarili, hindi ninyo tinitingnan ang pamantayan. Hindi n’yo pa rin nakikita ang pamantayan. Sinusukat ninyo ang lahat ng bagay na naaayon sa inyo. Iyan ay ang binhi ng serpente. Kapag sinabi ninyo, “Ayon sa akin,” kayo pa rin ang panginoon. Hindi kayo sumuko. Hindi kayo nakapagsisi. Kaya ibinigay Niya ako bilang tagapagturo. Kung wala ako, hindi ninyo malalaman ito.
Kapag kayo ay maging tunay na anak na lalaki o anak na babae ng Ama, ang inyong pananaw ay magiging palagi ninyong isinasaayos ang mga bagay ayon sa Kanya. Naaayon ba ito sa Anak? Kung gayon, kayo at ako ay iisa, kagaya ng ako at ang Ama ay iisa. Inuunawa ko ang mga bagay ayon sa Kanya. Bakit ako ay pinakamahusay? Dahil iyan ang Kanyang Kalooban. Bakit naglilinis ako sa bawat araw? Dahil ba ay may bisitang darating? Bakit ako ay malinis? Bakit ako ay naglilinis sa bawat araw? Dahil naaayon ito sa Kanya.
2 Taga-Corinto 7:“Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos.”
(ITUTULOY)