Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
LINISIN natin ang ating sarili mula sa karumihan ng espiritu, ang masuwaying espiritu laban sa Kalooban ng Ama.
Bakit ako masunurin? Bakit ako mabuti? Bakit puno ako ng kagalakan? Dahil ba nais kung mapalugod ang tao? Dahil ba may bisita akong darating at nais kong malugod sila sa akin? Hindi. Ganyan ako dahil ‘yan ang sinabi Niya. Ganito ako araw-araw. Puno ako ng kagalakan, kapayapaan, pag-ibig dahil ‘yan ay sinabi Niya. Kahit nasa bundok man ako, sa lungsod, sa ilalim ng lupa, sa ibabaw ng lupa, sa himpapawid o kahit saan ninyo ako matatagpuan, ganyan ako dahil ‘yan ay sinabi Niya. Pinapalugod ko ang Panginoon. Kapag ako ay nag-iisa, mabuti pa rin ako; mabait pa rin ako. Kapag kasama ko ang mga tao, mabuti pa rin ako, mabait pa rin ako. Bakit? Dahil ganyan ako ayon sa Kanya. Iyan ang makakapagpalugod sa Kanya.
KAILANGAN KAYO AY MAGING MALINIS
Kaya narito man kayo o wala, ganito ako sa katuwiran ng Panginoon dahil ito ay ayon sa Kanya. Tayo ay nakalulugod sa Kanya. Wala rito ako upang magbigay lugod sa tao. Ang buhay ko ay palaging nakalulugod sa Kanya. Upang maging makalulugod sa Kanya lagi, lagi kung tinatanong ang sarili ko, “Ama, ito ba ay Iyong Kalooban?” Kapag sasabihin ng Ama, “Oo,” kahit na masamain ako ng mga tao, kahit na uusigin ako dahil diyan, wala akong pakialam, hangga’t ikalulugod ito ng Ama. Kaya sinabi ko sa inyo, ang pag-uusig at pagpupuri ay pareho lang sa akin. Hindi ito nakatitinag sa akin, hangga’t ang Ama ang nalulugod sa anumang aking ginagawa sa bawat segundo, sa bawat minuto, sa bawat oras, sa bawat araw at sa lahat ng aking buhay. Kaya, maging kagaya ng inyong modelo. Bibisita man ako sa inyo o hindi, kailangan kayo’y malinis.
Kailangan na malinis kayo sa bawat araw, dahil ‘yan ay ayon sa akin. Nakatuon kayo sa panuntunan ng Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Kaya kapag pumunta dito ang mga tao kanilang makikita kung paano tayo maghanda ng pagkain. Akala nila na hinahanda natin ‘yan para sa kanila. “Ah! Inihanda ninyo ang marangyang pagkain. Sobra na ito,” sinabi ko, “Ito ang kinakain namin araw-araw kahit na wala kayo. Marami kaming pagkain dito araw-araw kahit na wala kayo rito.” “Ah, hindi niyo kailangan na sobrahan ang paglilinis dahil sa amin.” “Ah, hindi ito dahil sa inyo. Ito ay dahil sa Kanya. Narito man kayo o wala, ito ang ginagawa ko.”
Mayro’n tayong Revolution of Excellence. Kahit na kayo ay nag-iisa o may kasama, kailangan maging pinakamahusay kayo. Bakit? Dahil sa Kalooban ng Ama. Ano ang tinatanggal natin sa Revolution of Excellence? Kaestupiduhan, kamangmangan, at kakulangan sa kaalaman.
PINAKAMAHUSAY PARA SA AMA
Mahusay lamang ba kayo kung ako ay naririto? At pagkatapos ay estupido kayo sa lahat ng araw? Kung wala ako rito, mga mangmang uli kayo? Hindi. Mahusay tayo para sa Ama. Pinakamahusay tayo hindi upang ipakita sa tao, hindi upang paluguran ang tao. Tayo ay pinakamahusay para maging kalugod-lugod sa Dakilang Ama. Siya ang siyang nagsasabi, “Mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.” Mangagtalino ang ibig sabihin ay maging mahusay para sa Ama. Hindi kayo mahusay para sa akin, para sa sinumang tao. Kayo ay mahusay para sa Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Kapag may pinagawa ako sa inyo para sa Kanya, gawin ninyo ito sa pinakamatalino, at pinakamahusay na paraan.
ANG HINIRANG NA MUSIKA
Bakit ang ating mga musician ay pinakahusay? Dahil ba ay may isang tao na darating? Hindi. Sa bawat panahon na magsamba tayo sa Ama, ang inyong musika ay dapat na maging pinakamahusay dahil ito ay nakalulugod sa Kanya. Ayaw ng Ama na mga sintonado ang boses. Ayaw ng Panginoon na sintonado tayo ‘di ba? Kaya, pinag-aralan natin na hindi tayo maging sintonado.
Alam ninyo na sa simula kahit na ako ay dating ebanghelista sa denominasyon, mayroon akong pinakasintonado na boses. Ngunit hindi ko alam na sintonado ako. Hindi ko alam na lagi akong sintonado. Kaya, pagkatapos ng bawat service, kumakanta ako. Gusto kong kumanta sa altar call. At nagulat ako at nagtataka kung bakit kapag kumanta ako, ang mga tao ay halos laging umiiyak. At napasigla ako dahil akala ko naramdaman nila ang presensya ng Ama kapag ako ay kumanta. Ngunit 90 porsyento pala hindi ang presensya ng Ama ang nararamdaman nila. Ang 90 porsyento pala ay naawa sa akin. Ngunit hindi ko alam. Hanggang isang araw, pinakinggan ko ang aking boses sa pamamagitan ng tape recorder. Sinabi ko, “Sino ‘yang mang-aawit?” Hindi ko alam, ako pala ‘yon. Mula sa panahong iyon ay itinama ko ang aking boses. Pumunta ako sa dagat at sinabi nila sa akin kung paano ko mapabuti ang aking boses.
Ngayon nakakapag-awit na ako nang may katiyakan. Ang pinag-aralan ko ngayon ay ang aking timing. Alam ba ninyo kung bakit wala akong timing? Dahil sa langit, walang oras. Wala silang, “Do, re, mi, whole note.” Kakanta na lang ako at ngayon umiiyak ang mga tao, hindi dahil sa naawa sila sa akin. Hindi nila makayanang hindi umiyak, una dahil sa presensya ng Ama at ikalawa gusto nila ang aking boses. Ito ay hinirang. At ngayon isa sa pinakahihintay sa ating Thanksgiving and Worship Presentation ay ang worship. Kapag ang mga mang-aawit at ang mga musician ay kumakanta, ako sa sarili ko ay hindi ko ito palalagpasin. Bakit? Hindi lamang ito ang pinakamahusay. Ito ay isang hinirang na musika.
Mararamdaman ninyo ang anointing kahit bago pa kumanta ang musicians. Kaya dumadaloy sa pisngi ang inyong luha dahil naramdaman ninyo ang malamyos na tinig sa loob ninyo. Ang presensya ng Ama ay napakalakas at kayo ay umiiyak.
(ITUTULOY)