Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANUMANG bagay na lalabas sa inyong bibig ay dapat sa ikalilinaw, upang damayan, patatagin, pagtibayin ang sinumang taong inyong nakakausap.
Kapag magdidisiplina kayo, dapat ay mayroong pag-ibig para magreresulta sa ikatutuwid ng tao, ang tao ay magiging masunurin, mas lalong maging malapit ang tao sa Anak at sa Ama.
KAPANGYARIHAN NG DILA
Mayroon tayo ng kapangyarihan na ‘yan katulad na rin ng sa pagpili. Ang ating dila ay napakamakapangyarihan. Maaari itong magbuo at maaari itong magwasak. Kapag ginamit ng maayos ay isa itong balon ng buhay. Kapag gamitin ito nang maayos ay isa itong puno ng buhay. Kapag gamitin ito nang walang pakundangan ay magiging apoy ito ng impiyerno. Sumisira ito ng kaluluwa, sumisira ito ng espiritu, sumisira ito ng relasyon, sumisira ito sa salita na dapat sana ay naibigay upang magkaroon ng buhay, buhay na walang hanggan.
Mga kapatiran sa Bansang Kaharian, mula ngayon, bantayan natin ang ating dila, gamitin lamang ito sa ikabubuti.
ANG RESULTA NG MGA SALITA NG ANAK
Nakikita ba ninyo ang resulta ng mga Salita ng Hinirang na Anak? Ito ay nagreresulta ng buhay na walang hanggan para sa bawat tao na nakikinig sa akin. Ito ay nagreresulta ng kasaganaan at ito ay nagreresulta ng pagpapanumbalik ng ating nasirang relasyon sa Dakilang Ama at tayo ay naging mga anak na lalaki at anak na babae na siyang palagi ang layunin. Kapag tayo ay nagsalita, mayroong layunin.
Kaya nang sinimulan namin ang paglilingkod na ito, may sinabi ako sa ilang mga lider ng ating Kaharian na naririto ngayon at sinabi ko sa kanila, “Ilagay natin ang pamantayan para sa Kaharian. Ano ang nais ninyo sa Kaharian na maging? Sa ating sariling pamantayan? Nais ba ninyo ang Kaharian na maging third-world country na mentalidad? Isang second-country na mentalidad? Isang first-world country na mentalidad? At mas hihigit pa niyan. Ilagay natin ang isang pamantayan para sa Kaharian. Ano ang gusto ninyo? Sabi ko, “Nais ko ang Kaharian
na maging isang Kaharian ng Kahusayan.” Tayo ay dapat na mag-isip ng may kahusayan.
Kaya mayroon tayong Rebolusyon ng Kahusayan. Ang Rebolusyon ng Kahusayan ay higit pa sa first-world country na mentalidad. Mahigit pa niyan. Anong nakikita ninyo sa Kaharian ngayon? Lahat ay mahusay dahil ‘yan ang ating iniisip. Ganyan tayo mag-isip. Nabago ko ang inyong pag-iisip. Mga Pilipino kayo ‘di ba? Ano ang mentalidad ng natural na Pilipino? Isang third-world, fourth-world na mentalidad na bansa.
ANG PAGBABAGO NG MENTALIDAD
Nang dumating kayo dito sa Kaharian, naririnig ninyo ang aking mga salita. Kaya tayo ay nagbago. Nagbago na ang ating mentalidad. Kaya nagbago na rin ang ating mga salita. Nagbago ang ating espiritu. Kaya sa Kaharian, wala ng pulubi na mentalidad. Sasabihin ng iba, “Napakamayaman ninyo.” Kung titingnan mga magaganda, mga guwapo. Dapat ganyan tayo. Bakit? Nabago na ang ating mentalidad. Kaya nagbago na rin ang ating mga salita. Kaya sa Kaharian, wala na ‘yang mga pobreng pag-iisip. Ayaw ninyo ng pobre pero ang lumalabas sa inyong mga bibig ay puro pobre, babaguhin ‘yan ng Ama.
Ang pagiging matagumpay ay hindi kayabangan, ito ay nagpapalugod sa Ama. Kinaluluguran ko ba ang Ama kapag narito ako? Maipagmalaki pa ba ako ng Ama kung narito ako at pagkatapos ang aking kasuotan ay sira-sira, punit na punit? Pagkatapos hindi ako nakapang-ahit? Wala akong ligo? Masaya ba ang Ama niyan? Hindi ba taliwas ‘yan sa Kanyang kaugalian? Sino ang inyong Ama? Ang Diyos sa Langit, Siya ang lumikha ng Langit at lupa, pinakamayaman Siya.
HAGDANAN NG ESPIRITUWAL NA KATAGUMPAYAN
Nilalabanan ninyo ang karukhaan ngunit ang lahat na lumalabas sa inyong bibig ay mga salitang nagdudulot ng karukhaan. Ang kasuklaman at kapaitan ay resulta ng pagiging karukhaan. Hindi ‘yan ang resulta ng katagumpayan. Ngunit kapag tayo ay nagsasalita ng kabutihan, kapag tayo ay nagsasalita ng katagumpayan, kapag tayo ay nagsasalita ng pag-ibig ng Ama, kapag nagsasalita tayo ng pagsusunod, katapatan, at panindigan, ang mga ito ay mga hagdanan ng espirituwal na katagumpayan na magdadala rin sa kasaganaan ng Deuteronomy 28: 1- 14 hindi lamang sa espirituwal, pisikal, pinansyal, ngunit maging lahat ng mga bagay na ipinangako ng Ama sa atin. Kanya itong ibuhos sa Bansang Kaharian.
Ngunit hindi tayo mga panatiko. Likas pa rin na tayo ay tao, normal pa rin tayo. Ngunit pagdating sa espirituwal, walang pagdadalawang-isip. Ang ating pagsusunod, ang ating katapatan, ang ating panindigan, ay nakalaan lamang para sa Ama.
***WAKAS***