Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG Abril 13, 2005 ay simula ng isanlibong-taon na pamamalakad ng Ama sa pamamagitan ng Anak.
Mamamayani ang kapayapaan at kasaganaan sa mundo. Bilang mga anak na lalaki at babae, mahalaga para sa atin ang maging ganap sa mga batas na binigay ng ating Dakilang Ama. Anumang bagay na ating ginagawa, anumang salita na sinasambit ng ating dila ay kailangang nakalulugod lamang sa Ama.
ANG KAGULUHAN AY NAGSIMULA SA DILA
Isaiah 65: 25
(25) Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila’y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Ang dila ay maaaring nakakasakit. Ang dila ay maaaring makasisira. Ang dila ay maaaring makasusunog ng buong lungsod.
Isaiah 2: 4
(4) At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao; at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa basa, o mangangaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
Nagsisimula ang labanan hindi sa armas o anumang mga sandata mayroon kayo. Nagsimula ito sa mga salita. Una ang mga lider ng bansa, nagsimula silang magsalita ng paninira sa bawa’t isa at hindi sila napapayapa sa kanilang mga salita at pagkatapos ay gagamitan nila ito ng sandata upang sirain ang bawa’t isa. Nagsimula ito sa dila. Ang pagkakaibigan ay nagwawakas at ito ay nagsimula sa dila.
Santiago 3: 13- 17
(13) Sino ang marunong at matalino sa inyo? Ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
(14) Nguni’t kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
(15) Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.
(16) Sapagka’t kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
(17) Nguni’t ang karunungang buhay sa itaas, ay una-una’y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.
ANG RESULTA NG MABUBUTING MGA SALITA
‘Yan ang resulta ng mabubuting mga salita. Ang karunungang mula sa itaas ay mapayapa, gumagawa ito ng kapayapaan, hindi ito gumagawa ng pag-alinlangan. Hindi ito gumagawa ng sigalot. Hindi ito gumagawa ng kaguluhan. Ito ay gumagawa ng kapayapaan at pagtitiwala at pananampalataya. Ano ang sinabi ng Panginoon? Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka’t makikita nila ang Dios. (Mateo 5:9)
Sa Kaharian, may hangganan para sa mga mapanirang-puri, para sa mga tsismoso, mga gumagawa ng kuwento, mga naninira ng patalikod. Gamitin ang inyong dila ng nararapat. Ito ay para lamang sa karunungan, kaalaman, at pag-uunawa at ang resulta ay palaging kapayapaan hindi kaguluhan. Ang resulta ay palaging pag-ibig sa bawat isa hindi pagkamuhi sa bawat isa. Ang resulta ng bunga ng ating dila ay ang pagtutulungan sa bawa’t isa hindi ang paninira sa bawat isa. Ang resulta ay hindi nagpapahati at nagpapahiwalay mula sa bawa’t isa, ang resulta ay dapat pakikipag-isa at pag-iibigan sa bawat isa. Ito ang espiritu at kaugalian na makakapunta sa langit.
Sino ang inyong modelo? Ang Hinirang na Anak ang inyong modelo.
May isa akong Full-time Miracle Worker sa United States of America, siya ay si Sis. Kappie Carlos. Siya ay may panaginip na nais niyang ibahagi.
“Nais kong ibahagi sa inyo ang aking panaginip Pastor na aking napanaginipan kamakailan lang. Ang lugar sa aking panaginip ay nasa impiyerno, maraming mga tinig sa impiyerno na nagsasabi na may lugar sa loob ng impiyerno ang mga tsismoso’t tsismosa. Dapat ay walang magsalita ng masama o maninira sa kanilang mga kapitbahay, mga taong kasama nila, lalo na’t sinabi ng mga tinig sa akin na mayroon pang mga tao sa Kaharian na patuloy ang pagtsismis at mabuting baguhin na nila ang kanilang ugali.”
“Dapat ay walang kahit isa ang magsalita ng laban sa Anak. Mula sa aking nakita, ang mga tsismoso’t tsismosa sa impiyerno ay may napakaraming apoy sa bibig kung ikumpara sa ibang bahagi ng katawan. Pinilit nilang sumigaw ngunit ang apoy ay mas lalong pumapasok sa kanila.”
Kamakailan lang nang nag-iikot ako sa impiyerno, nakita ko ang lahat ng mga dila doon na sumira sa mga kaluluwa. Naroroon silang lahat. Tingnan ninyo, seryoso tayo dito dahil nais nating lahat na makapupunta sa langit. Kaya kung kayo ay makipag-usap sa bawa’t isa, ibigin ang bawa’t isa, suportahan ang bawa’t isa, magdamayan ang bawa’t isa, magsalita lamang ng mga salita na may katuwiran at kaliwanagan sa bawa’t isa.
Kung may tsismis sa inyong bibig, lunukin ito. Pumunta sa palikuran at itapon ito. Anumang bagay na lalabas sa inyong bibig dapat ay sa ikalilinaw, upang damayan, patatagin, pagtibayin ang sinumang taong inyong nakakausap. Kapag magdisiplina kayo mula sa Anak mayroong pag-ibig para magreresulta sa ikatutuwid ng tao, ang tao ay magiging masunurin, mas lalong maging malapit ang tao sa Anak at sa Ama.
(Itutuloy)