Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG backbiting o paninirang-puri ng patraydor ay katumbas ng pinakamalaking kasalanan na akin nang binanggit isa-isa. Hindi kayo makatutungo niyan sa langit.
ANG PANGATLONG KASALANAN NG DILA
Ang pangatlong kasalanan ng dila ang talebearing o tagapagkalat ng tsismis. Sila ang mga naglalakad mula sa kapitbahay hanggang sa kabilang kapitbahay, mula sa silid hanggang sa kabilang silid. Nagbubunyag sila ng mga sekreto at nambobola. Ang talebearer ay ahente ng hidwaan kaya binalaan tayo laban dito.
Binigyan ako ng Ama ng sekreto, ibinunyag ko ba ito? Hanggang ngayon kahit sa mga malalapit sa akin ay hindi ko ito ginawa. Ang sekreto ng Panginoon ay nasa mga matutuwid. Sa mga talebearers, maging maingat sa kanila.
Leviticus 19:16: “Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan, ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa: ako ang Panginoon.
Ang mga talebearer ay abala sa paglalakad. Pumupunta sila sa bawat silid. Hindi sila makakatulog hangga’t hindi sila makapagtsismis.
Mga Kawikaan 20:19
(19) Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya’t huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
KAPAG WALANG KAHOY, WALANG APOY
Kanila kayong bubulahin sa mga salita upang kayo ay makinig sa kanila at pagkatapos ay bubulungan kayo patungkol sa lihim na kanilang nalalaman. Talebearing ‘yan. Maging maingat sa kanila dahil binubunyag nila ang mga lihim.
Mga Kawikaan 26:20
(20) Sapagka’t sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy; at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
Walang kaguluhan kapag walang talebearer. Ang kaguluhan ay hihinto. Kagaya ito ng kung walang kahoy, walang apoy. Kung walang talebearer, walang kaguluhan.
Mga Kawikaan 11:3
(3) Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubayan sa kanila: nguni’t ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
Mga Kawikaan 17:9
(9) Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: Nguni’t ang nagdadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
Mga Kawikaan 11: 3
(3) Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni’t ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
Ang mga madaldal ay malala kung magsalita ngunit kapag kayo ay mapagmahal, tinatakpan pa nga ninyo ang kamalian upang may katiwasayan. Hindi sa tinakpan ninyo ang kasalanan, nais lamang ninyo na wala nang kaguluhan.
Mga Kawikaan 26: 22
(22) Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
Papasok ‘yan sila sa pinakamalalim na bahagi na ang ibig sabihin ay matatandaan ninyo ang kanilang mga sinabi. Ngunit ang Salita ng Panginoon na lagi kong pinapangaral, hindi matandaan. Pero isang tsismis lang, kakalat na ito at susunugin ang buong siyudad. ‘Yan ang lalaganap pero ang Salita ng Panginoon na pinapangaral ko, pinapawisan na ako sa kapangangaral, walang nakaalala.
ANG NAGPAPARATANG AY MANGMANG
Mga Kawikaan 10: 18
(18) Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.
Bantayan niyo ‘yan. Huwag kayo magpaparatang. Ang ilan sa inyo ay nagpaparatang. Mga madadaldal ang laging nagpaparatang. Ano ang paratang? Iyan ‘yong nauuna ang inyong pag-iisip. Pagtingin niyo lang, hinuhusgahan niyo na.
Hindi pa nagtatanong, nauna na ang pag-iisip. Ang pagpaparatang ay isang mangmang. Huwag kayong humusga o magdesisyon kung hindi pa ninyo nasiyasat. Huwag maniwala sa anumang bagay na pumapasok sa inyong isip na hindi nagsisiyasat. Maging kagaya ko. Sino ang inyong modelo? Lahat ng kahatulan ay nasa aking mga kamay at hindi ko ‘yan ginagawa.
Seryoso ako na malaman ang isang bagay, sisiyasatin ko ito bago ako magsalita o bago ako humusga.
Mga Kawikaan 18: 6-8
(6) Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
(7) Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
(8) Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
Anong gagawin natin? Pigilan ang inyong dila. Ang kakayahan sa pagpigil ng inyong mga salita ay nagpapahayag ng kaalaman. Palagi nating hinawakan ang responsibilidad ng ating mga salita. Kaya huwag kayo kaagad maglabas ng mga salita na hindi pa napatunayan. Ikontrol o pigilan ang inyong dila. Buksan lamang ito para sa ikabubuti ng buhay.
Mateo 7: 17-20
(17) Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama.
(18) Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.
(19) Bawa’t punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.
Hindi nila alam kung paano gamitin ang kanilang dila. Ang lumalabas ay palaging mga bunga ng kapaitan o kamuhian o paninirang puri o pagsisinungaling. Hindi sila makatutungo sa langit. Sila ay puputulin at itatapon sa apoy.
(20) Kaya’t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.
ANG SALITA NG ANAK AY PARA SA ISANG LAYUNIN
Sa pamamaraan ng inyong pananalita. Nakikita ba ninyo ang resulta ng aking mga ginagawa? Ito ay palaging nasa ikabubuti ng kaluluwa. Ito ay palaging nasa kaligtasan ng kaluluwa. Pinapalitan ko ang karnalidad sa espirituwalidad. Huwag ninyo itong gawin sa taliwas na paraan. Huwag palitan ang espirituwalidad sa karnalidad.
Tingnan ninyo ang mga tao na nandito noon. Kanilang ikinaila ang aking espirituwalidad. Ginawa nila akong karnal. Tinitingnan nila ako bilang karnal. Ano ang sinabi ng Panginoon? “Kung ikakaila ninyo ako, ikakaila ko rin kayo.” Ikinaila ninyo ang aking espirituwalidad, ikakaila ko ang inyong karnalidad dahil hindi ‘yan ang pagkakilala sa Hinirang na Anak. Anuman ang aking ginagawa, sinalita ko ito para sa isang layunin. Ang layunin ay palaging nagtatapos sa espirituwalidad.
(Itutuloy)