Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
SA paglilingkod sa Ama makararanas kayo ng kawalan at kahirapan. Naranasan ko ‘yan. Kumain ako ng saging sa loob ng limang taon. ‘Yan ang klase ng kasalatan ng pagkain. Nang ako ay nagdesisyon na sumunod sa Kalooban ng Ama, dumating ang punto na sa pagsusunod sa Kanyang kalooban ay nararanasan ko ang kasalatan ng makakain at kawalan ng masuot na damit. Ito ang uri ng apoy. Habang ang mundo sa paligid ninyo ay nagtatamasa sa kasaganaan, kaginhawaan, at kaluwagan, kayo ay nasa kalagitnaan nila sa kahirapan, sa kaligaligan, sa kahadlangan, sa paniniil. Ito ang apoy sa paligid ninyo. At napakadali lamang sa inyo sa paggamit ng inyong malayang pagpili upang lumukso mula sa kung saan kayo, patungo sa kabilang banda kungsaan naroon ang kaluwagan at kaginhawaan. Ano ang inyong gagawin sa mga panahon kapag binisita kayo ng apoy? Nasa inyo ang kalayaan ng pagpili.
Kung tatanungin ninyo ako kung bakit narito ako ngayon, ang dahilan ay napakalinaw. Nagdesisyon akong manatili.
Minsan sa inyong paglilingkod sa Ama sa pagsusunod sa Kanyang Kalooban, maraming mga taong magbabanta sa inyo ng panganib o tabak. Maraming taong magbabanta sa inyo ng kamatayan. Maraming taong magbabanta sa inyong seguridad at akusahan kayo. At ako ay inakusahan ng maraming beses. At ito ay bahagi ng teritoryong espirituwal kungsaan kayo ngayon. Kaya huwag magimbal o magulat kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay mangyari sa inyo, dahil ito ay bahagi at parte ng espirituwal na teritoryo kungsaan kayo ngayon nabahagi.
36Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
Na parang kayo ay walang kalaban-laban. Na parang kayo ay walang pag-asa ng kung anumang seguridad dahil kayo ay nag-iisa sa espirituwal na pakikipaglaban na inyong dinanas.
37Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
Walang sinuman sa ating buhay ang makapaghihiwalay sa atin mula sa paggawa sa Kanyang Kalooban. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, wala sa anumang mga bagay na inilarawan ni Apostol Pablo.
38Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Tayo ay higit na mapagtagumpay. Walang makapaghihiwalay sa atin.
MULA SA SAULO ANG TAGAPAG-USIG, NAGING PABLO ANG APOSTOL
Sinasabi ito ni Pablo dahil kanya rin itong naranasan nang siya ay naging Pablo ang Apostol. Nang siya sa nakaraang panahon sa kasaysayan ng kanyang buhay bilang tagapag-usig, isang bagay ang nangyari sa kanya. Naranasan niya ang pagbabago nang marinig niya ang boses ng Panginoon isang araw ng kanyang paglalakad patungo sa Damascus. Isang maningning na sinag ang lumiwanag sa paligid niya at siya ay nabulag nang bahagya. “Sino ka baga, Panginoon?” tanong niya. At sinabi ng Panginoon, “Ako’y si Jesus na iyong pinag-uusig: Nguni’t magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.” (Mga Gawa 9: 3-6).
At pagkatapos ay nakararanas siya ng parehong karanasan sa mga taong kanyang inusig habang siya ay si Saulo ang tagapag-usig. Siya ay naging si Pablo ang Apostol. At kanyang ginamit ang kanyang malayang pagpili upang magpatuloy sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. Kung kaya ay masasabi niyang “Tayo ay higit pa sa mapagtagumpay!”
Sinabi niya, “Wala sa mga ito ang magpahihiwalay sa atin, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit na ang mga bagay sa hinaharap at anuman ito; pag-uusig, kahapisan, kahubaran, panganib o tabak.” Walang makapaghihiwalay sa atin! Sinabi niya, “Tayo ay higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan Niya na umibig sa atin.”
Bakit masasabi ito ni Pablo? Dahil sa kanyang malayang pagpili. Ngayon, lahat tayo ay nasa parehong sitwasyon kay Pablo ang Apostol dahil tayo ang katuparan ng Luma at Bagong Tipan, nagsisimula sa Hinirang na Anak.
PAGTIBAYIN ANG INYONG MALAYANG PAGPILI
Ano ang aking desisyon sa lahat ng ito? Ginamit ko ang aking malayang pagpili upang magpatuloy sa laban na ito at sa espirituwal na paglalakbay hanggang sa marating ko ang tuktok ng ganap na katagumpayan. Si Satanas na si Lucifer ang demonyo sa wakas ay nagapi na.
Nang tuksuhin ng demonyo si Job, si Job ay hindi sumuko sa tukso kagaya ng ginawa ng kanyang asawang babae. Hindi ‘yan ginawa ni Job. Sa katapusan, siya ay naging matagumpay at nakayanan niyang magtagumpay at malampasan ang apoy ng pag-uusig at kapagsubukan. Parehong bagay ito na mangyayari sa ating lahat.
Ang pag-uusig ay bahagi ng laro. At pagkatapos na matagumpayan ninyo ang inyong Tamayong, at kayo ay nagsimulang mamuhay bilang isang anak na lalaki o anak na babae na ibinigay sa sanlibutan, magsimula kayong lumahok sa gawain ng Espirituwal na Rebolusyon, Pinansyal na Rebolusyon, at Rebolusyon ng Kahusayan ng Kaharian ng Ama.
Matapos niyan ay maitatag ang pagitan sa inyo at ang pagkagulang, maaari na kayong managumpay sa buong mundo kung anumang meron kayo ngayon na higit pa sa anumang meron ang mundo. Kaya may awiting nagsasabi, “Mas nakahihigit Siya na nasa akin kaysa sa nasa mundo.”
Kaya isang araw ay narinig ko ang Kanyang boses at ang boses ay nagsabi sa akin, “Ngayon ikaw ang Aking Anak.” Bakit? Dahil nakayanan ko na managumpay. Ang katuparan ng Pahayag 21:7 ay dumating na siyang hindi nangyari mula sa pinakasimula, maging sa Panahon ng Simbahan, dahil hindi ito binigay sa kanila para sa katuparan. Ito ay ibinigay sa Anak bilang siyang katuparan.
Ang Pahayag 21: 7 ay nagsasabi. “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.”
Ano ang inyong mamanahin? Ang mga bagay na inyong nawala na siyang ang Pagkaanak at ang Pagkahari. At ako ang kumakatawan ng nagkasalang lahi ni Adan, ang nagkasalang sangkatauhan, at kung ako ay nabigo, hindi mangyari na magkaroon kayo ng Kaharian ng Panginoon o Kaharian ng Ama sa mundong ito ngayon, na tumatanggap ng lahat ng mga kapahayagan, upang pumasok sa kasunduan ng langit, na maging mga anak na lalaki at anak na babae; hindi mangyari na magkaroon kayo ng mensaheng ganito; hindi mangyari na marinig ninyo ito. Lahat ng matatanggap ninyo ay relihiyon at denominasyon.
Sinikap na pigilan tayo ni Satanas na si Lucifer ang demonyo mula sa tuktok ng espirituwal na rebolusyon na mensaheng ito. Ngunit nang ako ay napili, ginamit ko ang aking malayang pagpili upang gawin ang Kalooban ng Ama.
Itutuloy