Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
NGAYON ay naunawaan ko ang Kalooban ng Ama gaya ng hindi ito naunawaan ng mga tao noon dahil Siya ay naninirahan na sa akin.
Ako ang Kanyang templo at ang buhay ng Ama ay nasa akin. Ako ang Kanyang laman. Ako ang Kanyang Katawan. Siya ang aking Espiritu. Siya ang aking Ama. At Siya ang aking Panginoon. Kung ano ang nararamdaman Niya ay nararamdaman ko. Ano man ang makakapagpaligaya sa Kanya ay makakapagpaligaya sa akin. Ano man ang nakakapagbigay lungkot sa Kanya ay nakakapagbigay ng lungkot sa akin.
Ito rin ay kaparehong relasyon ko sa lahat ng Kanyang mga kaanakan, anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama. Tayo ngayon ay iisa. Ako ay nasa inyo. Kayo ay nasa akin. At tayo ay iisa sa Ama.
Kaya huwag na ninyo munang isaalang-alang ang sarili. Palaging isaalang-alang kung ano ang mararamdaman ng Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Sa bawat desisyon, sa bawat pagsaalang-alang na inyong gagawin, lagi ninyong sabihin, “Ano kaya ang mararamdaman ng Anak hinggil dito?” Dahil anumang nararamdaman ng Anak dito sa mundo, iyan ay nararamdaman din ng Ama, dahil ako at ang Ama ay iisa.
Ito ang ibig ikahulugan nito. Kapag iginalang ninyo ang Anak, iginalang ninyo ang Ama. Kapag dinungisan ninyo ako, hindi ako ang inyong dinungisan, ang dinungisan ninyo ay ang Ama.
Kagaya ng sinabi Niya sa Juan 5:23, “Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpupuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya’y nagsugo.”
Kung ano ang ginawa ninyo sa akin ay siyang ganap na ginawa ninyo sa Ama. Kapag ginawan ninyo ako ng kamalian o kabutihan, inuusig ninyo ako, inakusahan ninyo ako, hindi ako ang inyong inuusig at inakusahan, inuusig at inakusahan ninyo ang Ama. At isang araw ay tatayo kayo sa harapan Niya at sasabihin Niya sa inyo, “Naroon ako, hindi ninyo ako tinanggap. Hindi niyo ako binati. Inusig pa ninyo ako. Inakusahan pa ninyo ako.”
At itong mga bugok na tao na dati ay kasama natin ay magsabi, “Kailan namin ‘yan ginawa?” Pagkatapos ay ituturo ako ng Ama, “Kung ginawa ninyo ito sa kanya, ginawa ninyo ito sa akin.”
Ano na lamang kaya katanga ang mga bugok sa espiritu na mga taong ito kung kanila na itong malalaman? Ito ang boses ng Ama. At patuloy nila itong ginagawa. Dahil sila ay naging maka-personal at nabigo sila na maging espirituwal. Hindi nila maituturing na espirituwal ang anumang bagay. Tumanggi silang malinisan ng apoy. Tumanggi silang malinisan ang kanilang pagkamakalaman. Tumanggi silang sunugin ang kanilang natural na pag-iisip. Kaya kapalit niyan, matatanggap sana nila ang espirituwal na pag-iisip at espirituwal na buhay ng Ama at makikita sana nila ang lahat ng bagay sa espirituwal na pananaw.
Mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama, kapag kayo ay naging espirituwal, kailangan ninyong ituring na espirituwal ang lahat ng bagay. Kapag kayo ay inusig, huwag itong ituring na personal, sa halip ay ituring ninyong espirituwal ang inyong sitwasyon. Ito ay bahagi ng ating espirituwal na buhay.
Kapag kayo ay mahigpit na itinuwid, ituring itong espirituwal. Ngunit kung ang inyong pananaw ay makalaman o pini-personal ninyo ito, mag-umpisa kayong mamuhi at magtanim ng sama ng loob, kayo ay natalo sa inyong espirituwal na lakad kasama ng Ama. Gagabayan kayo ng demonyo papalabas sa Kaharian at ilantad sa inyo ang daan ng muling pagkasira, ang paggawa muli sa inyong sariling kalooban at kalooban ng demonyo.
Ito ay napakapraktikal at ito ngayon ang karaniwang espirituwal na kaalaman ng lahat ng mga mamamayan ng Kaharian saanman sila patutungo. Idinidiin ko ito ng napakaraming beses. Kahit na ang bata ay maaaring makaunawa sa anumang aking sinasabi.
Lahat ng mga mamamayan ng Kaharian ay hindi ligtas mula dito, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas; ang larawang ito ay matutupad sa ating lahat. Kung titibayin ninyo ang inyong malayang pagpili sa pagsunod sa Kanyang Kalooban, kayo ay magkakaroon ng kalayaan sa espirituwal.
ANG ATING PAGPILI ANG MAGPAPASYA NG ATING KALIGTASAN
Ang ating pagpili ang magpapasya ng ating kaligtasan. Kahit na tayo ay ipinanganak na may binhi ng serpente, binigyan tayo ng Ama ng pagpili na palitan ang likas ng ating pagkamakasalanan. Ang pagpili ay kung magpaparaya sa estado ng pagkamakasalanan at mamatay ng walang hanggan o tanggapin ang bagong likas at mamuhay na kasama Niya nang walang hanggan. Hindi makapagpipigil ang Ama sa ating pagpili.
Mga Taga-Roma 6:16
16Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
Sinabi sa atin ni Pablo ang mga pagpili na ito: kung pipiliin ninyo na magparaya at maging alipin ng kasalanan hanggang sa kamatayan o sundin ang katuwiran. Sundin ninyo ang inyong kalooban, kayo ay mamamatay. Sundin ninyo ang Kalooban ng Ama, kayo ay mabubuhay.
Lahat ng mga bagay mula sa Salita ng Panginoon, mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, lahat ay ginawa sa pamamagitan ng pagpili ng tao. Inilalatag lamang ng Ama ang lahat na naaayon sa Kanyang Kalooban. Nasa atin ang pagpili. Kagaya ito ng isang buffet table, lahat ay naroon. Kukunin ninyo ang magugustuhan ninyo. Pipiliin ninyo ang inyong magugustuhan. Ngunit sa dulo ng lamesa, may isang kahera na naghihintay sa inyo, at kailangan ninyong bayaran ang inyong mga pinili. Kagaya ito sa espiritu.
ANG KUWENTO NI JOSEPH
Halimbawa sa kaso ni Joseph. Itinalaga na ang buhay ni Joseph ayon sa Kalooban ng Ama. Si Joseph ay masunurin at lahat na nangyayari sa kanyang buhay ay ayon sa orkestrasyon ng Ama.
Isang araw naranasan ni Joseph ang kawalang-hustisya na kung kayo ay nasa kanyang lugar, baka kayo ay magkaroon ng sama ng loob. Ano ang nangyari sa kanya? Una, siya ay mahal ng kanyang ama higit pa sa kaninuman, ngunit ang trahedya ay nang ang kanyang mga kapatid na lalaki ay nanibugho sa kanya. Sila ay nainggit sa kanya. Napagdesisyunan ng kanilang masamang pag-iisip na paslangin si Joseph upang mawala sa kanila ang bagay na nagpapanibugho sa kanila. Sila ay nagpulong. Nais ng isang kapatid na patayin si Joseph, ngunit ang isang kapatid ay nagsabi, “Huwag, sobrang marahas ‘yan. Gawin natin ang ibang bagay, huwag siyang patayin. Ihulog natin siya sa balon, at sa ating pag-uwi kapag tinanong ng ating ama kung saan si Joseph ay sasabihin nating, ‘Habang inaalagaan namin ang tupa, dumating ang mabangis na hayop at kinain siya at siya ay namatay.’”
(Itutuloy)