Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
MINSAN nagtataka kayo. Alam ko ang nasa isip niyo. Kayo ay naninirahan sa ikatlong dimensyon ng mga kapahayagan, habang ako ay naninirahan sa ikasampung dimensyon ng mga kapahayagan. Dinadala ko kayo sa taas na iyon upang malaman kung ano ang mangyayari.
Isaiah 2:4:
At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao…
…At kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod…”
…Kanilang mga sibat ay maging mga karit…
…Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa…
Ang mga bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa. Walang magiging nagbabantang digmaan sa pagitan nina Trump at Kim Jung-Un. Wala nang mga ganoon. Ang mga drug addict ay magbabago sa unang pagkakataon.
…o mangangaaral pa man sila ng pakikipagdigma…
Wala na silang matutunang digmaan. Hindi na natin kailangan ang militar.
Isaiah 11: 6-9
b-6 At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero…
Tatahan ang lobo kasama ng kordero. Wala nang kaguluhan. Papalitan ng Ama ang inyong puso at ang inyong isip at wala na kayong matutunang kaguluhan. Hindi na kayo magiging biyolente.
…at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing…
Ang leopardo ay hihiga na kasama ang batang kambing.
…at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama…
Ang guya at ang batang leon ay magkasama. Sila ay magiging mapayapa. Mangyayari ito sa pamamahala ng Hari ng mga hari at ng Panginoon ng mga panginoon, na si Jesus Christ ang ating Dakilang Ama sa Espiritu; at ang pamamahala na iyon ay nagsimula noong Abril 13, 2005.
Kaya ipinadala Niya ako sa buong mundo, at nakikita ko ang simula ng Rebolusyon ng Pag-ibig sa mundo. Kaya hindi ako nagugustuhan ni Satanas; matindi ang pagkamuhi niya sa akin ngunit ang kanyang pamamahala sa mundong ito ay tapos na. Ang pag-ibig ng Panginoon ay narito na. Ito ay mamumuno ng may kapangyarihan.
LAHAT NG ATING KAILANGAN AY PAG-IBIG
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa 1 Taga-Corinto 13: 1-6;
b-1 Kung ako’y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay ako’y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
Kagaya lamang kayo ng tanso na tumutunog. “Nag-speak in tongues ako. Narito sa akin ang lahat ng propesiya. Narito sa akin ang lahat ng mga kaloob ng espiritu,” at pinagmamayabang niyo pa ang tungkol diyan.
b-2 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay wala akong kabuluhan.
Kung may pananampalataya kayo upang mapalipat ang bundok ngunit wala naman kayong pag-ibig, kayo ay walang kabuluhan.
b-3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay walang pakikinabangan sa akin.
Binigay ninyo lahat ng inyong mga tinatangkilik, sinunog ang inyong katawan upang patunayan na kayo ay may dedikasyon, ngunit kung wala kayong pag-ibig, kayo ay walang kabuluhan.
b-4 Ang pagibig ay mapaghinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
Ang pag-ibig ay hindi mapagpalalo, hindi nagmamayabang.
b-5 Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot…
Hindi kaagad nagagalit.
…hindi inaalumana ang masama…
b-6 Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
Hindi nagagalak sa kalikuan, ngunit nagagalak sa katotohanan. Iyan ang pag-ibig.
Hindi ninyo ito matatagpuan dito sa mundo ng kalibugan sa laman, kalibugan sa mata at pagmamataas sa sarili. Kaya nang ako ay nagsimulang mamuhay ng ganitong uri ng buhay ngayon sa Kaharian, sinabi ng mga tao, “Talaga bang may mga tao pang kagaya ninyo? Paano kayo nakakaahon dito kung ganyan ang inyong pag-uugali?”
Sinabi ko, “Ang Kaharian ay nagsimula sa maliit at ito ay babalot sa buong mundo,” at ito ay nangyayari – ang Rebolusyon ng Pag-ibig.
May tatlo na nananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig, at ang higit sa mga ito ay ang pag-ibig. Lahat ng ating kailangan ay pag-ibig dahil ang pag-ibig ay hindi namamatay.
Tingnan ninyo, kung ang pagkamuhi at kapaitan ay nagsimula sa inyong bahay, ang bahay ay guguho dahil ang pagkamuhi at kapaitan ay mga nakasisirang espiritu mula kay Satanas na si Lucifer ang demonyo. Ngunit kung may pag-ibig, ang pag-ibig ang tanging bagay na mananatili sa mundo. Ito ang pag-ibig ng ating Dakilang Ama sa pamamagitan ng pagsisisi, at pagsasabi, “Iniibig ko Kayo Ama, susundin ko ang Iyong Kalooban ng aking buong puso.”
Ang larawan ng Kalbaryo, iyan ang larawan ng tunay na pag-ibig.
Hangga’t ako ay nabubuhay, iibigin ko kayong lahat, iibigin ko ang sangkatauhan – walang rasa, walang relihiyon, walang kultura, at walang mga hadlang.
Pinalalawig ang mga hangganan ng Children’s Joy Foundation sa buong mundo. Hindi lamang natin pinapakain ang mga Pilipinong batang nakakaawa, mahihirap, at walang masuot ngunit atin din silang binabahay. Pinapakain natin ang milyon-milyon sa kanila. Lumampas tayo sa hangganan ng ating bansa. Tumungo tayo sa Asya – Cambodia, Vietnam, Laos, Indonesia, Middle East, Central America, maging ang America at Canada. Iyan ang pag-ibig ng Children’s Joy Foundation para sa mga bata.
Bakit mahal ko ang mga bata? Sila ang ating kinabukasan. Kung hindi ninyo tuturuan ang mga bata ngayon, walang magiging pag-asa sa inyo. Kaya kailangan nating mahalin ang mga bata. Protektahan ang mga bata. Bihisan ang mga bata. Ibigin ang mga bata. Sila ang susunod na henerasyon.
WAKAS