Ni Justine Nazario
IBINAHAGI ni actress-model Anne Curtis sa mga netizens ang pinagkakaabalahan niya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa Instagram post ng aktres tampok rito ang unica hija nila ni Erwan na si Dahlia Amelie na humahagikgik habang nilalaro ni Anne.
Matatandaan sa isang post din ni Anne sinabi nito na “to my friends, this is also why I don’t reply 90% of the time.”
Dahil una nilang baby ni Erwan si Dahlia ginagamit nila ang lahat ng oras para maalagaan ito lalo na’t kasalukuyang may pandemic.
Gayunpaman, maraming natuwang mga netizens sa bonding ng mag-ina at hanga kay Anne kahit first time pa lamang nito maging mommy.
Samantala, nasa Melbourne, Australia sila Anne kung saan naka-base ang ina nito.