Ni MJ Mondejar
MULING gumulong ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa mga anomalya na bumabalot sa pamamahagi ng Social Amelioration Program o SAP cash aid.
Sa hearing, kinuwestyon ng mga mambabatas kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi parin natatapos ang pamamahagi ng ayuda sa 2nd tranche ng SAP.
Agad namang nagpaliwanag si Social Welfare Secretary Rolando Bautista kung bakit nadedelay ang ayuda.
Ayon kay Bautista na may mga local government units na hindi pa nakakapagsumite ng pangalan ng mga mabibigyan ng ayuda na isa sa mga dahilan ng delay.
Pero ayon kay Deputy Speaker Villafuerte, may solusyon nang inilatag ang pamahalaan kung nagkaroon ng double entry sa mga benepisyaryo.
Sa ngayon kasi mahigit sa 48,000 na ang double entry beneficiaries sa SAP cash aid.
Dahil diyan ay nanawagan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan na pabilisin ang proseso ng deduplication para mabilis na maibigay ang ayuda.