Ni Vic Tahud
HINDI gagamitin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Anti-Terror Law para habulin ang mga kilusan sa bansa at supilin ang freedon of expression.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng patuloy na pagtutol ng ilang grupo sa nasabing batas.
Aniya, nasa labingdalawang grupo ang naghain ng petisyon laban sa batas sa Korte Suprema.
Ilan sa mga ito ay mga abogado, mga magsasaka noong 1987 Constitution at human rights defenders.
Paglilinaw ni Roque, hindi rin basta-basta huhulihin ang isang tao na nagpapahayag ng saloobin kung hindi naman kalahok sa isang terrorist organization.