Ni Karen David
MARIING nilinaw ni PBA Partylist Rep. Jericho “Koko” Nograles, na pangunahing trabaho lamang ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang tumanggap ng impormasyon patungkol sa posibleng terorismo sa bansa.
Dagdag pa ni Nograles na labing tatlong taon nang may ATC sa ilalim ng Human Security Act of 2007.
Sa makatuwid ani Nograles, isa lamang recommendatory body ang ATC at walang kakayahang maglabas ng warrant of arrest laban sa sinuman.
Ito ang kinumpirma ni Nograles, isa sa author ng naturang batas sa panayam ng SMNI News.
Ipinunto pa ng mambabatas na ang korte ang may otoridad na magdesisyon sa mga posibleng imbestigasyon.
Sa huli, giit ni Nograles na walang intensyon ang pamahalaan na abusuhin ang nasabing batas.