Ni Arjay Adan
PUMANAW na ang isa sa prospect ng Ateneo De Manila University (ADMU) na nakatakda sanang maglaro para sa Ateneo Women’s Football Team dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19.
Ayon sa kapatid nito na si Marie, na-diagnose si Alyana Bautista noong mga nakaraang buwan ng acute disseminated encephalomyelitis (ADEM), isang sakit na nakaka-apekto sa central nervous system. At dahil sa COVID-19 ay mas pinalala nito ang ADEM ni Bautista.
Si Alyana, na graduate ng Miriam High School ay nakapaglaro sa club level matapos makapasok sa Philippine Football Federation Women’s League 2019 para sa Nomads FC bilang defender.
Nakatakda sana siyang maglaro para sa Ateneo sa UAAP.
Mula naman sa kanilang official twitter account, nagpahatid naman ng pakikiramay ang PFF sa pamilya ni Alyana.