Ni Justine Nazario
INANUNSYO ni Atlanta Mayor Keisha Lance Bottoms na maglalabas ito ng bagong mandato na mag-oobliga sa lahat na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Kaugay ito sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa atlanta na nagbibigay sa kanila ng takot at pangamba.
Ayon kay bottoms malaki ang maitutulong ng pagsusuot ng face mask para bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Matatandaan din na bago lamang ng inanunsyo ni Mayor Bottoms na nagpositibo siya sa COVID-19 nang walang kahit anong sintomas na naramdaman kaya naman patuloy na pinaalalahan ni Bottoms ang kanyang mga nasasakupan na patuloy sumunod sa mga pinapatupad na health protocols laban sa COVID-19.