SMNI NEWS
NAPANATILI pa rin ng Bagyong Carina ang lakas nito habang papalapit na sa Extreme Northern Luzon.
Sa 11am Severe Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 245 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nanatili pa ring nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at Northeastern Portion ng Mainland Cagayan (Ang Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Eastern Lal-Lo, Eastern Gattaran at Eastern Baggao).
Posible namang mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Babuyan Islands at Batanes ngayong gabi o bukas ng umaga batay sa tinatahak nitong track.
Inaasahang hihina at magiging low pressure area na lamang ang bagyo sa Miyerkules.