Ni Troy Gomez
ISAILALIM sa lockdown ang Galicia Street sa Barangay Bangculasi sa Navotas simula Biyernes, Hulyo 10 hanggang Hulyo 23 dahil sa banta pa rin ng COVID-9.
Kasama sa isasailalim sa lockdown ang mga karatig-lugar at eskinita sa barangay.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na layon nitong limitahan ang local transmission sa Galicia Street kung saan pito ang naitalang COVID-19 cases sa lugar nitong Hulyo 8.
Tanging mga essential lamang na mga manggagawa kasama ang mga frontliners at manggagawa sa Navotas Fish Port.
Dahil hindi maaring lumabas ang mga hindi exempted na mga residente, ang pagkain ng mga ito ay ihahatid na lamang house to house.
Sa kabuuan ay nasa 816 ang confirmed cases kung saan 434 ang active cases sa Navotas City.