Ni Karen David
MAARI nang mag-offer ng iba pang serbisyo maliban sa haircuts ang mga barbershop at salon na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga barbershop at salon na nasa GCQ areas ay pinapayagan nang mag-offer ng hair cutting at hair treatment services.
Habang ang mga pinapayagan naman aniyang mga serbisyo sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ ay hair cutting services, hair treatment services at nail care services, basic facial care gaya ng make up, eyebrow threading, eyelash extension at facial massage at anh basic personal care services gaya ng waxing, threading, shaving, foot spa at hand spa.
Ipatutupad aniya ang mga ito sa ilalim ng mahigpit na protocol sa hand sanitation, face mask at face shield, gwantes at sterilized equipment.
Simula ngayong araw hanggang Hulyo 15, sinabi ni Roque na ang pinapayagang operating capacity ng barbershops at salons sa GCQ areas ay 30 percent habang ang mga lugar na nasa MGCQ ay 50 percent.
Simula naman aniya sa Hulyo 16, ang operating capacity sa GCQ ay magiging 50 percent na at 75 percent naman ang capacity ng MGCQ.