SMNI NEWS
INAPRUBAHAN na ng National Task Force Against COVID-19 ang disensyo ng motorcycle firm na Angkas ang barrier sa pagitan ng motorcycle driver at pasahero ayon ay Defense Chief at NTF Chairman Delfin Lorenzana.
Gayunman, pinaalalahanan ni Lorenzana ang publiko na ang pwede lang mag-angkas sa motorsiklo ay mga mag-asawa, common-law couple, at live-in partner.
Noong Biyernes nang payagan ng Inter-Agency Task Force ang pag-angkas pero limitado lamang ito sa mga “couple”.