Ni Vic Tahud
PASADO na sa final reading ang Bayanihan 2 Recover As One Act sa Senado matapos nanawagan ang pangulo na madaliin ang pagpapasa sa batas na ito.
Aprubado ang Senate Bill 1564 na mayroong 22 affirmative votes at isang No.
Ilalaan naman ang 140-billion pesos stimulus fund para sa socio-economic at health programs, Php10 billion para sa testing at extraction kits, supplies, materials, at reagents para sa COVID-19 testing at para mapalakas pa ang kapasidad ng Department of Health.
Habang 15 billion pesos para sa Cash-for-Work Program ng komunidad at 17 billion pesos financial assistance naman para sa displaced workers at employees.
Samantala, 50 billion pesos naman ang ilalaan para sa micro, small and medium enterprises.
Para naman sa sektor ng agrikultura, 17 billion pesos naman ang ibibigay na financial assistance at pondo para sa mga magsasaka, mangingisda, livestock raisers at para sa Plant, Plant, Plant Program ng Department of Agriculture.
Sa pagbuhay naman ng tourism sector ng bansa, maglalaan din ng 10 billion peso para rito at 17 billion pesos para sa transportation sector at 3 billion pesos sa mga state universities and colleges.