Ni Melrose Manuel
TATAPUSIN ng pamahalaang Duterte ngayong taon ang P4.8-B Bicol International Airport (BIA).
Ito ang inihayag ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, nang tiyakin sa kanya ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), nang inspekyunin nila ang proyekto kamakailan.
Sinabi ni Salceda na ang BIA ay bahagi ng malalaking proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build” program ng gobyerno na inaasahang magiging mga mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa.