Ni Karen David
ISINAILALIM sa total lockdown ang isang barangay sa Caloocan City bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sa Facebook post, sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na iniligay sa lockdown ang Barangay 93 simula Hulyo 12 hanggang Hulyo 18.
Ayon kay Malapitan, umabot na sa 28 residente ng nasabing barangay ang kumpirmadong nagpositibo sa virus.
Habang nasa total lockdown, sinabi ng alkalde na magsasagawa ang city government ng contact tracing at mass testing sa lugar.
Mahigpit din aniya ang ipinatutupad na police visibility sa lugar. Tiniyak din ng alkalde ang pamamahagi ng food packs sa 1,100 household sa barangay 93 habang ito ay naka-total lockdown.