Ni Melrose Manuel
NAGTUNGO sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Miss Universe 2018 Catriona Gray upang ireklamo ang diumano’y kumakalat na pekeng larawan nito.
Ito ay upang makausap ang ilang opisyal ng ahensya hinggil sa posibleng pagsasampa ng reklamo sa nag-upload ng pekeng larawan ng beauty queen.
Tinawag ng kampo ni Cat na fake ang naturang larawan matapos ang pagkalat ng topless photo nito na anilay layunin lamang na dungisan ang pangalan ng beauty queen.
Una nang sinabi ni Atty. Joji Alonso, abogado ni Catriona, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad para mapanagot ang mga nasa likod nito.