Ni Vic Tahud
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili pa rin sa Enhanced Community Quarantine ECQ ang Cebu City.
Ito ay sanhi ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa syudad at base sa rekomendasyon ni Department of Environment Natural Resource Sec. Roy Cimatu.
Batay sa huling datos ng Cebu City Health Department kahapon, umabot na sa kabuuang 5,494 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 2,723 dito ay gumaling na at 169 ang nasawi.
Samantala, mananatili naman sa ilalim ng general community quarantine ang National Capital Region, Benguet, Cavite, Rizal, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Leyte, Ormoc, Southern Leyte at mga syudad sa Cebu Province gaya ng Talisay City, Minglanilla at Consolacion. Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ.