Ni Melrose Manuel
MALAKI ang naging improvement ng kooperasyon ng mga taga Cebu sa pagsugpo sa COVID-19 crisis.
Ito ang ibinahagi ni Police Regional Office Central Visayas o PRO-7 Director Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro sa panayam ng Sonshine Radio.
Inamin naman ni Ferro na ang biglaang transition ng quarantine status ang naging problema ng Cebu City kung kaya’t tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ibinahagi naman ni Ferro na maganda na ang status ng CEBU City dahil pinaiigting na rin ang contact tracing.
Ani Ferro, naka-cluster na rin ang mga pasyente batay sa kanilang mga sakit para agarang matugunan ang mga ito.