Ni Karen David
SINIMULAN na ng Social Security System ang pagpapatupad ng checkless payment scheme para sa funeral benefit claims.
Sa anunsyo ng SSS ngayong araw, sinabi nito na epektibo noong Hunyo 22 ay hindi na nag-rerelease ng Social Security Funeral Benefits sa pamamagitan ng tseke.
Ito ay upang malimitahan ang walk-in transactions para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado maging ang kanilang mga miyembro.
Maliban sa unified multi-purpose identification cards, ang benepisyo ay ibibigay sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONET) participating banks, e-wallets gaya ng PayMaya, o remittance transfer companies/cash payout outlets.