Ni Melrose Manuel
NAKATAKDA nang simulan sa Agosto 1 ang clinical trials sa lagundi bilang supplemental treatment sa mga indibidwal na infected ng COVID-19.
Sa Laging Handa virtual briefing, sinabi ni Science and Technology Secretary Fortunato de La Peña na aprubado na ang trials ng University of the Philippines Research Ethics Board.
Maari naman aniyang mapaaga ang trials sakaling magpalabas na ng clearance ang Food and Drug Administration.
Ayon kay De La Peña, layon ng pag-aaral na makita kung makakabuti ang lagundi para ma-address ang mga sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo, sore throat at lagnat.
Abril nang simulan ng DOST ang pag-aaral sa maaring epekto ng ilang herbal medicines gaya ng lagundi at tawa-tawa laban sa COVID-19.